Ang Hatol ng Kuneho (Panitikang Korea)


Image result for ang hatol ng kuneho

Source: Google Images



Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat
Ang Hatol ng Kuneho(Buod)


Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kasawiang palad ay nahulog ito sa isang malalim na hukay. Walang nagawa ang tigre kaya't nagmamakaawa itong sumigaw upang humingi ng tulong.

Hanggang kinabukasan ay may isang taong napadaan at nakita ang kanyang kalagayan. Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat baka sya ay kainin nito.

Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin nya ang tao.

Nakiusap muna ang tao sa tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung sya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay kainin ng tigre sa kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pag kaubos ng mga puno.Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay ganoon din ang hatol nito.

Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulukso at ito naman ang hiningian ng hatol ng tao at tigre.Ang suhestiyon ng kuneho ay muling nilang isalaysay ang nangyari sa pamamagitan ng pagpunta ng tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol.

Muli ngang nagpunta ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol.Ang hatol ng kuneho ay, "Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema".

Muli ay nagpatuloy na sa paglukso ang matalinong kuneho.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ni Prinsesa Manorah (Panitikang Thailand)

Alamat ng Pinya (Panitikang Pilipino)

Rama at Sita (Panitikang India)