Rama at Sita (Panitikang India)


Image result for rama at sita
Source: Google Images

Isinalin sa Filipino ni: Rene O. Villanueva

Sa gubat nanirahan si Rama at Sita matapos ipatapon mula sa Ayodha. May nagpapanggap bilang babae na nagngangalang Surpanaka ang nagpunta sa kanilang tahanan na naglalayong maging asawa si Rama ngunit hindi pumayag si Rama. Nagselos si Sita sa nainig kaya't niyakap niya si Rama sa harap ni Surpanaka. Nag-igting ang bagang ni Surpanaka sa nakita kaya't naging higante siya at niyugyog si Sita. Dumating si Lakshamanan bilang saklolo at nahagip ang ilong at tainga ni Surpanaka.

Nagtungo si Surpanaka sa kaharian nila at nakita ni Ravana ang kalagayan ng kapatid. Tinanong ni Ravana kung sino ang may gawa nito, nagsumbong si Surpanaka sa kapatid; Humingi siya ng tulong kay Ravana na bihagin si Sita mula kay Rama upang maging asawa niya.

Humingi naman ng tulong si Ravana kay Maritsa, isang tauhang may kakayahang magpalit-palit ng anyo. Sa una ay di pumayag si Maritsa dahil kakampi ni Rama at Sita ang Diyos subalit napapayag rin ni Ravana si Maritsa. 


Nagpanggap si Maritsa bilang gintong usa, nakita ito ni Sita kaya't inutusan niya si Lakshamanan at Rama na hulihin ito. Agad na sinundan ni Rama ang gintong usa at ibinilin si Sita kay Lakshamanan. Nag-alala si Sita kay Rama kaya pinasunod niya si Lakshamanan kay Rama.Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. 


Habang namimitas ng bulaklak si Sita sa hardin, inalok siya ni Ravana bilang asawa sa kasunduang bibigyan siya ng 5,000 alipin at gagawing Reyna ng Lanka ngunit di pumayag si Sita kaya dinala ni Ravana si Sita sa Lanka ng sapilitan. Inihulog ni Sita ang napitas nyang bulaklak upang maging palatandaan kay Rama. Nasaksihan ng Agila ang pangyayari kaya pinagtataga ni Ravana ang agila. Naghihingalong sinabi ng Agila ang pangyayari kay Rama.

Humingi ng tulong si Rama sa kaharian ng mga Unggoy at nagtungo sa Lanka. Doon naganap ang sagupaan sa pwersa ni Rama kasama ang mga Unggoy at Ravana kasama ang mga higante. Nang malagutan ng hininga si Ravana ay tumakas ang mga natitirang higante. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ni Prinsesa Manorah (Panitikang Thailand)

Alamat ng Pinya (Panitikang Pilipino)