Ang Ama (Panitikang Singapore)



Image result for ang ama
Source: Google Images


Isinalin sa Filipino ni: Mauro R. Avena

Kapag naghinihintay ng mga bata ang kanilang ama ay laging may halong takot. Paminsan-minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay.Ngunit ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag isa at ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat,at ni katiting ay walang ,maiiwan sa maliliit.


Anim lahat ang mga bata ang pinakamatanda ay isang lalaki dose anyos at isang babae onse, kahit na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit,dalawang lalaki,kambal,nuwebe anyos,isang maliit na babae,otso anyos at isang dos anyos na maliit pa lamang.Lahat ito ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag aagawan.

Sa kaluwagang palad ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng pansit guisado,at kanila itong pinagsaluhan.Isa o dalawang beses lang ito naulit at hindi na naulit ang pag uwi ng ama ng pansit guisado at mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang ina.

Kapag uuwi itong pasigaw sigaw at padabog dabog at tiyak na walang pagkain ang mga bata ay nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na  makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito at dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng bahay para maglaba.

May isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang Mui Mui alam nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos ng ama at ito'y sisigaw kapag hindi pa huminto ito'y lalapit at hahampasin ng buong lakas.

Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siya'y nasisante sa trabaho sa lagarian at hindi ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at biglang bumagsak ang kamao ng ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at nahimasmasan ito ng ina si Mui Mui dahil sa malamig na tubig.
Pagkaraan ng 2 araw ay namatay si Mui Mui at ang ina lamang ang umiiyak habang handang ilibing sa sementeryo ng nayon mayroong isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay buong araw na nagmumukmuk.May isang babae na nangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa palad ng ama na  nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman itong lasing.
Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot  na may mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama sa kwarto hindi nagtagal lumabas ito kinuha nito ang malaking supot at lumabas ng bahay sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod  lumuhod ito at kinuha ang laman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod  madilim na ang langit at malapit na itong umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag iyak.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ni Prinsesa Manorah (Panitikang Thailand)

Alamat ng Pinya (Panitikang Pilipino)

Rama at Sita (Panitikang India)