Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018

Ang Ama (Panitikang Singapore)

Imahe
Source: Google Images Isinalin sa Filipino ni: Mauro R. Avena Kapag naghinihintay ng mga bata ang kanilang ama ay laging may halong takot. Paminsan-minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay.Ngunit ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag isa at ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat,at ni katiting ay walang ,maiiwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata ang pinakamatanda ay isang lalaki dose anyos at isang babae onse, kahit na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit,dalawang lalaki,kambal,nuwebe anyos,isang maliit na babae,otso anyos at isang dos anyos na maliit pa lamang.Lahat ito ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag aagawan. Sa kaluwagang palad ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng

Ang Hatol ng Kuneho (Panitikang Korea)

Imahe
Source: Google Images Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat Ang Hatol ng Kuneho(Buod) Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kasawiang palad ay nahulog ito sa isang malalim na hukay. Walang nagawa ang tigre kaya't nagmamakaawa itong sumigaw upang humingi ng tulong. Hanggang kinabukasan ay may isang taong napadaan at nakita ang kanyang kalagayan. Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat baka sya ay kainin nito. Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin nya ang tao. Nakiusap muna ang tao sa tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung sya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay kainin ng

Rama at Sita (Panitikang India)

Imahe
Source: Google Images Isinalin sa Filipino ni: Rene O. Villanueva Sa gubat nanirahan si Rama at Sita matapos ipatapon mula sa Ayodha. May nagpapanggap bilang babae na nagngangalang Surpanaka ang nagpunta sa kanilang tahanan na naglalayong maging asawa si Rama ngunit hindi pumayag si Rama. Nagselos si Sita sa nainig kaya't niyakap niya si Rama sa harap ni Surpanaka. Nag-igting ang bagang ni Surpanaka sa nakita kaya't naging higante siya at niyugyog si Sita. Dumating si Lakshamanan bilang saklolo at nahagip ang ilong at tainga ni Surpanaka. Nagtungo si Surpanaka sa kaharian nila at nakita ni Ravana ang kalagayan ng kapatid. Tinanong ni Ravana kung sino ang may gawa nito, nagsumbong si Surpanaka sa kapatid; Humingi siya ng tulong kay Ravana na bihagin si Sita mula kay Rama upang maging asawa niya. Humingi naman ng tulong si Ravana kay Maritsa, isang tauhang may kakayahang magpalit-palit ng anyo. Sa una ay di pumayag si Maritsa dahil kakampi ni Rama at S

Alamat ni Prinsesa Manorah (Panitikang Thailand)

Imahe
Source: Google Images Isinalin sa Filipino ni: Dr. Romulo N. Peralta Ito ay isang alamat na nagpasalin salin na sa iba't ibang henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya na itinatag noong taong 1350. Si Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anak nina Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Sila ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong magkakapatid ay kapwa mga kinnaree o kalahating tao at kalahating swan. Sila'y nakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpak kung kanilang naisin. Sa loob ng kanilang kaharian ay nakatago ang Himmapan, isang kagubatan na kung saan ay naninirahan ang iba't ibang mga nilalang na di makikita sa daigdig ng mga tao. Sa Himmapan din nakakubli ang magandang lawa na kung saan ay madalas dalawin ng pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o kabilugan ng bwan. Sa di kalayuan ng lawa ay nakatira ang isang ermitanyong nagsasagawa ng meditasyon. Isang araw, naligaw ang isang binata na si Pr

Alamat ng Pinya (Panitikang Pilipino)

Imahe
Source: Google Images  Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay ma y sampung taong gulang na anak na babae, si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay ang anak. Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay. Dahil sa nag-iisan g anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang gawin ang anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan lang siya ng kanyang ina. Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay. Napilitan si Pinang na gumaw a ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng apoy. Iniwan niya ang niluluto at naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang ilalim ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit sa palayok. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay napagsilbihan siya ni Pinang. Nanatili sa higa